Biyernes, Enero 9, 2015

Reaksyon

Ang Shahnameh ay isang magandang epiko na nag simula sa Persia. Marami tayong pwedeng magagandang asal na makuha mula dito. Tulad ng kailangan nating mahalin ang ating mga magulang at pamilya. Lalo na habang nakakasama pa natin sila, tayo ay napaka swerte dahil may pagkakataon pa tayong mahalin at ipakita sakanila. Samantalang si Sohrab na walang kaalam alam na ang tunay niyang ama ay si Rostam na gusto niya pang makipaglaban.

Kapaligirang Pangkasaysayan

     Ang epikong Shahaname ay nagmula sa bansang Iran sa gitnang silangan. Isinulat ito ni Ferdowsi nang 35 na taon at natapos nang 1010 AD. Sa totoo lang hindi Iran ang tawag dito dati kundi Persia. Noong mga taon na isinusulat ito ni Ferdowsi, masmalawak ang Persia kaya madami at iba't iba ang kultura na naka-apekto sa epikong ito.

     Kahit isinulat ang epikong Shahaname, may mga taong gumamit ng paraan nang pagkukwento sa pagpasa nito sa ibang tao. Ang epikong ito ay naging tanyag kaagad at kumalat sa mundo. Ang Shahaname ay nasasabing tula na ginawa ni Ferdowsi. At ang mga tula sa Persia ay hindi mahirap na ikonekta sa mga musika. Para sa ibang tao, ginagawa nilang pang-aliw ang Shahaname sa pagkwento na may kasamang pagkanta. 

     Ngayon, ang epikong tula na Shahaname ay isang pambansang epiko ng Persia. Ang mga bansang Iran, Afghanistan, Georgia, Armenia, Turkey at Dagestan ay ipinagdidiwang ang pambansang epikong ito. Nakatulong ang epikong ito sa mga tagasuporta ng relihiyong Zoroastrianism, dahil may mga laman ito tungkol sa huling pinuno ng Sassanid ng Persia

Introduksyon

     Ang istoryang ito na mula sa Shahaname na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki.

     Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw na rin niyang ipaalam kung sino sya.

     May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagamat nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa paning naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap ang ideyang iyon.


     Sa wakas, nagharap ang mag-ama sa gitna ng labanan. Ang una nilang paglalaban ay tumagal nang buong araw at natapos nang maggagabi na. Nang magbukangliwayway, ay muli na naman silang naglaban at sa pagkakataong ito halos na nanalo si Sohrab, dahil nagkunwari si Rostam. Nagharap ang dalawang bayani para sa pinal na paglalaban.