Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw na rin niyang ipaalam kung sino sya.
May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagamat nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa paning naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap ang ideyang iyon.
Sa wakas, nagharap ang mag-ama sa gitna ng labanan. Ang una nilang paglalaban ay tumagal nang buong araw at natapos nang maggagabi na. Nang magbukangliwayway, ay muli na naman silang naglaban at sa pagkakataong ito halos na nanalo si Sohrab, dahil nagkunwari si Rostam. Nagharap ang dalawang bayani para sa pinal na paglalaban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento